UPDATE: Retrieval ops naantala

HINDI natupad ang target ng Task Force Kalihim na matapos ang retrieval operations ngayong tanghali sa dalawang pilot na kasama ni Interior Secretary Jesse Robredo sa bumagsak na eroplano sa Masbate.

Naantala kasi ang operasyon dahil sa malalakas na alon o current sa ilalim ng karagatan.

Inirekomenda ni Lieutenant Ares Camino, diving supervisor ng retrieval team na huwag ituloy ang paglusong sa tubig dahil maaaring malagay sa kapahamakan ang mga diver na binubuo ng tatlong Koreano at mga taga-Philippine Navy.

Inaasahang magre-resume ang operasyon kapag kumalma ang alon sa dagat mamayang hapon, ayon kay Navy Captain Rommel Galang.

Una nang sinabi ni TF Kalihim Commander Major General Eduardo Del Rosario na target nilang tapusin ang pag-angat sa eroplano na pinaniniwalaang kinalululanan nina Captain Jessup Bahinting at Nepalese co-pilot Kshitiz Chand ngayong tanghali.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply