Update: Robredo dumating na sa Villamor Air Base

EKSAKTONG alas 10:30 ng umaga, lumapag sa Villamor Airbase sa Pasay City ang Philippine Armed Forces plane na nagdadala sa labi ni Department of Interior and Local Government DILG Secretary Jesse Rebredo para dalhin at iburol ng dalawang araw na burol sa Malakanyang.

Ilang minuto lamang ang nakalipas, bumukas na ang likurang bahagi ng PAF plane at maya-maya lamang ay  may siyam na military personnel ang pumasok dito para kunin ang labi ni Robredo.

Sa kanilang paglabas, sapo-sapo ng mga military pesonnels ang kabaong ng Kalihim at nang makababa na mula sa eroplano ay iniangat ito sa kanilang balikat at saka lumakad patungo sa naghihintay na black limousine funeral car.

Nasa likuran naman ng kabaong ng Kalihim at kasabay na naglalakad ang maybahay nitong si Lenny, tatlong anak na sina Aika, Jesicca at Jilian.

Nang makarating na sa mismong caro ng patay, isinakay na ang labi ni Robredo habang ang kabiyajk nitrong si Lenny at mga anak ay sumakay sa ibang sasakyan at tumulak na papuntang Malakanyang para sa 2 araw na burol.

Dumaan ang convoy Airport Road, at lumabas sa Roxas Blvd. bago lumiko sa Finance Road patungo sa JP Laurel Avenue.

Dadalhin ang labi ng kalihim sa Malakanyang kung saan sasalubungin ito ng mga matataas na opisyal na gobyerno na pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ilalagak ang labi ng kalihim sa Kalayaa Hall hanggang sa Linggo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply