UPDATE: Rolito Go pugante na – NBP

ITINUTURING nang pugante ang high-profile inmate na si Rolito Go makaraang mawala sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Kasunod nito, pinakilos ni Justice Sec. Leila de Lima ang National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang pagkawala Go.

Aminado rin ang kalihim na maging siya ay hindi kumbinsido sa sinasabing nakidnap ang convicted road rage killer.

Tiniyak din ng DoJ chief ang full blown investigation hinggil sa posibleng pagkukulang ng mga NBP officials at personnel sa kaso.

Si Go ay isang minimum security inmate at tinuturing na “living out” prisoner kung saan malaya rinng makapaglibot sa loob ng NBP premises.

Nadiskubre ang pagkawala ni Go kagabi kasunod ng isinagawang head count ng awtoridad.

Matatandaan na noong 1993 ay nagawa rin ni Go na makatakas sa loob ng Rizal Provincial Jail subalit nahuli ito noong 1996.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply