Sereno nakapanumpa na, ganap nang chief justice

NAKAPANUMPA na bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema si Maria Lourdez Sereno kay Pangulong Benigno Aquino III, isang araw matapos ang kanyang pagkakatalaga.

Dumalo sa kanyang panunumpa ang kanyang asawa at mga anak gayundin din si Justice Secretary Leila de Lima at  Justice Artemio Panganiban.

Si Sereno ay nasa edad pa lamang na 52 at siya ay manunugkulan ng 18 taon sa Korte Suprema.

Ika-24 na chief justice ng bansa at kauna-unahang babaeng Punong Mahistrado si Sereno.

Tiniyak naman ni Sereno na maasahan ng Sambayanan ang reporma at patas na pagtingin sa hudikatura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply