Update: Sunog sa Tayuman tumagal ng 18 oras

HALOS 18 oras ang itinagal bago tuluyang idineklarang fire out kaninang madaling araw ang sunog na naganap kahapon sa isang residential commercial area  sa Tayuman, Tondo, Maynila

Ayon kay Fire Major Alvin Rex Aballa, ng Manila Bureau of Fire Protection, dakong alas-4:00 kanianng madaling araw lamang naapula ang sunog na ikinadamay ng 10 kabahayan at tinatayang aabot sa P2 milyon ang pinsala.

Nauna rito, nagsimula ang sunog kahapon dakong alas-11:30 ng umaga sa ikalawang palapag ng gusali na pag-aari ni Chairman Arlene Tan.

Dahil gawa sa light materials ang mga kabahaya na nasa bandang likuran ng gusali ay mabilis na nilamon ng lumalagablab na apoy ang mga kabahayan kung saan may 20 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Nadamay din ang katabing four-storey building na umano’y nagsilbing bodega ng mga payong at ilang Chinese products.

Apat ang iniulat na bumbero nasugatan sa naturang sunog na umabot ng ikalimang alarma.

Patuloy pang iniimbestigahan ng MBFP ang sanhi ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply