Updated ang Bona ni Eugene Domingo

HINDI naman ako jologs, eh!” dekrara ni Edgar Allan Guzman nung press-conference kamakailan pasa sa stage play na Bona, kung saan gaganap siyang ang star-wannabe na kahihigan ni Bona (gagampanan ni Eugene Domingo), isang matandang dalagang callcenter agent.

Jologs, ayon kay Edgar, ang personalidad ng gagampanan n’yang si Gino Sanchez, isang probinsyanong sasali sa contest na Stars of Tomorrow.

At dahil hindi naman daw siya jologs, ibinase raw n’ya ang characterization n’ya sa isang pinsan n’ya na ang tingin n’ya ay may pagka-jologs. Awa ng Diyos, hindi naman niya binanggit kung ano ang pangalan ng pinsan n’ya.

Jologs man o hindi ang tingin ni Edgar sa sarili n’ya, para rin siyang si Gino Sanchez dahil si Edgar man ay mula sa isang contest, ang Mr. Pogi ng Eat Bulaga. Pero yung Gino na ginagampanan n’ya, napakagaling manggamit ng isang matandang dalagang tigang.

Papaunlakan naman n’ya ng romansa at sex ang babaeng natigang dahil bago nito nakilala si Gino ay inilaan n’ya sa pamilya halos lahat ng oras n’ya, pag-aaruga, at salapi. (Kaya mukhang hindi pwede para sa high school and elementary students ang dula!)

Nu’ng presscon nga pala, jologs na jologs ang suot n’yang t-shirt sa loob ng jacket n’ya: may hiwa-hiwa ng gunting sa collar ng t-shirt.

Very creative but in a jolog way! Pero baka hindi naman siya ang may idea nu’n kundi ang production designer ng dula. Nag-perform kasi ang lead cast ng dalawang eksena sa play, at sa isang eksena ay kasali si Edgar. May lips-to-lips kissing sina Edgar at Eugene sa eksenang yon. (Wow, swerte ni Uge! Nakahalik siya ng mukha pang bagets!)

Magmula sa Agosto 24 hanggang kalagitnaan ng Setyembre ipalalabas sa PETA Center ang Bona tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo, 8 pm, bagama’t may 3 pm shows tuwing Sabado at Linggo.

Dalawampu’t limang pagtatanghal ang gagawin, at sa lahat ng iyon ay sina Edgar at Uge ang mapapanood. Wala silang ka-alternate.

Sa Bona ng PETA, may best friend si Bona na isang bading. Isa sa mga gumaganap na best friend ay si Joey Pa- ras, yung gumanap na pangunahing bituin sa Cinemalaya entry noon na Last Supper No. 10. Bading yung character, at bading din naman si Joey sa tunay na buhay.

Napaka-talented na bading! Nakapagtrabaho na pala siya sa South Korea bilang singer: naging solo performer siya sa isang hotel lounge at miyembro ng isang band. Lalake pa raw ang mga projection n’ya noon.

Graduate siya sa Faculty of Arts & Letters ng University of Sto. Tomas (“faculty” po talaga ang tawag, hindi “college” o “school”).

Nakalimutan naming itanong kung ano ang major n’ya, pero alam namin na naging estudyante siya ru’n ng katoto namin sa panulat na si Mario Hernando na siyang nag-introduce sa amin kay Joey nung private tsikahan na after the presscon proper. (Si Phil Noble nga pala ang alternate ni Joey bilang bading na best friend ni Bona.)

Para sa presyo ng mga tiket, tumawag sa 725-6244 o sa  09175765400 o mag-log on sa www.petatheater.com.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply