US: Aksyon ng China sa Scarborough Shoal nakababahala

NABABAHALA na ang Estados Unidos sa umano’y patuloy na pag-angat ng tensyon sa South China Sea dahil paglalagay ng lubid ng China sa entrada ng Scarborough Shoal.

Ayon kay US State Department Spokesperson Patrick Ventrell, hindi madiplomatikong paraan ang ginawa ng China na paglalagay ng mga lubid para hindi ito mapasok ng anumang sasakyang pandagat.

Pinuna rin ni Ventrell ang pagpapalawak ng kanilang administrasyon sa nilikha nilang Sansha City na siyang tagapangasiwa ngayon sa mga inaangking teritoryo sa nasabing dagat.

Nakapagpapadagdag din umano ng tensyon ang pagtatayo ng panibagong military garrison  sa pagitan ng China at ibang mga bansa na umaangkin sa teritoryo sa Spratlys.

Dahil ditto, inirekomenda ng Estados Unidos sa China at mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na idaan sa ligal na proseso ang pag-angkin sa teritoryo.

Kaugnay pa nito, inihayag ng US State Department na walang pinapanigan ang Estados Unidos sa mga bansang nag-aagawan sa mga teritoryo sa South China Sea (West Philippine Sea).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply