US astronaut Neil Armstrong namayapa na

SUMAKABILANG-BUHAY na si US astronaut Neil Armstrong, ang kauna-unahang tao na nakatapak sa buwan, sa edad na 82.

Sa isang kalatas, kinumpirma ng mismong pamilya nito ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay dahil sa komplikasyon dulot ng  “cardiovascular procedures.”

“We are heartbroken to share the news that Neil Armstrong has passed away following complications resulting from cardiovascular procedures,” ayon sa official statement ng pamilya.

Maalala na nitong mga nakaraang linggo lamang ay sumailalim sa operasyon si Armstrong matapos atakehin sa puso.

Noong Pebrero, ang huling major public appearance ni Neil sa Ohio University at pinarangalan siya ng kapwa niya astronaut na si John Glenn.

“While we mourn the loss of a very good man, we also celebrate his remarkable life and hope that it serves as an example to young people around the world to work hard to make their dreams come true, to be willing to explore and push the limits, and to selflessly serve a cause greater than themselves,” dagdag sa statement.

Noong Hulyo 1969, lulan ng Apollo 11, kasama ni Armstrong ang kapwa-astronauts na sina Buzz Aldrin at Michael Collins para sa isang makasaysayang biyahe sa buwan.

Habang naghihintay ng balita ang buong mundo sa biyahe ng tatlo, narinig mula sa command module ang boses ni Armstrong na kinumpirma ang kanilang paglapag sa buwan.

“That’s one small step for (a) man, one giant leap for mankind.”

Tumagal si Armstrong ng dalawang oras at 32 minuto sa ibabaw ng buwan, kasama si Aldrin at itinanim nila sa moon surface ang bandila ng America.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply