US basketball team papalapit sa gintong medalya

DALAWANG panalo na lang at masusungkit na ng Team USA ang gold medal sa men’s basketball ng 30th Summer Olympic Games sa London.

Bukas ng alas-4 ng madaling araw hahawiin ng US Olympic team na binubuo ng All-NBA stars ang Team Argentina sa semifinals upang makaraan papunta sa championship.

Winalis ng mga Amerikano ang limang laro sa preliminary round at sa quarterfinals (last 8) ay pinatalsik nila ang Australia, 119-86.

Nagpasiklab sina Kobe Bryant na tumikada ng 20 puntos at three-time NBA MVP LeBron James na bumira ng triple-double, (11pts., 14 rebounds at 12 assists) upang mapalapit sa muling pagtatapat nila kontra tropa sa magkapatid na Pau at Marc Gasol ng Spain.

Kadikdikan ng Spain ang nag-top sa group B na Russia sa isang semis match.

Nakahirit ng rematch ang Argentian cagers sa US Olympic team ng talunin nila sa quarterfinals ang Brazil, 82-77.

Tinambakan ng 29 puntos ng Team USA ang Argentinia sa preliminary round, 126-97.

Nakapasok sa semis ang Spain nang talunin nila ang France, 66-59 habang kinaldag ng Russia ang Lithuania, 83-74.

Sa distaff side, maghaharap para sa gold medal ang Team USA at France.

Giniba ng US ang Australia, 86-73 habang pinaluhod ng France ang Russia, 81-64 sa dalawang semis match.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply