US Embassy balik operasyon na

BALIK operasyon na ang consular section ng Embahada ng Estados Unidos ngayong umaga matapos ang tatlong araw na suspensyon dahil sa pagbaha.

Sa anunsyo ng US Embassy sa kanilang Facebook account,  nagbukas ang Embahada dakong alas-7:30 kaninang umaga matapos gumanda ang lagay ng panahon.

“The Consular Section will open at 7:30 a.m., and all other Embassy sections will open at 10:00 a.m.,” ayon sa US Embassy sa kanilang Facebook account.

Sinuspinde ng Embahada ang kanilang operasyon nitong Martes hanggang Miyerkules dahil sa matinding pagbuhos ng ulan bunsod ng masamang panahon na nagdulot naman ng malawakang pagbaha sa Metro Manila probinsya at karatig lalawigan.

At inihayag na magbubukas ito dapat kahapon, araw ng Huwebes ngunit dahil sa patuloy pa ring pag-ulan ay muling sinuspinde ang opisina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply