US embassy, balik-trabaho sa Huwebes

INIANUNSYO ng US Embassy sa Maynila na balik-trabaho na sila bukas, Huwebes.

Matatandaang napilitang magsuspinde ng operasyon ang embahada nitong Martes at Miyerkules dahil sa masamang lagay ng panahon na naghatid ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa isang anunsiyo sa kanilang website nitong Miyerkules, sinabi nito na magbubukas sila ng kanilang tanggapan simula 10:00 ng umaga, gayundin ang kanilang mga affiliated offices.

“The U.S. Embassy in Manila and its affiliated offices will open for business on Thursday, August 9th at 10:00 a.m.,” anang anunsiyo.

Maging ang consular services umano nito ay balik-serbisyo na rin dakong 10:00 ng umaga ng Huwebes.

Samantala, sinabi ng embahada na ang mga American citizens na may naantalang appointments sa embahada noong Agosto 7 at 8 ay muli na lamang itatakda sa ibang petsa.

Ang mga mayroon namang visa appointments na nakansela ay maaaring magpa-reschedule sa pamamagitan ng kanilang Call Center na may numerong (02) 982-5555 at (02) 902-8930.

Sa kabilang dako, sinabi ng mga opisyal ng embahada na magsasagawa sila ng relief operations sa mga biktima ng mga pagbaha.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply