US embassy, sarado din ngayong araw

KANSELADO ngayon ang operasyon sa tanggapan ng US Embassy sa Maynila sa araw na ito.

Ang kanselasyon ng operasyon ay kasunod na rin ng nararanasang pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila.

Mismong si US Ambassador Harry Thomas Jr. ang nag-anunsyo na walang pasok sa tanggapan ng US Embassy pa ra na rin sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado at consular applicants

Matatandaan na kinansela ng Embahada ng Estados Unidos ang kanilang operasyon nitong nakaraang Agosto 1 nang pasukin ang kanilang tanggapan ng tubig mula sa Manila Bay.

Ayon sa ulat, ang malakas na alon sa Manila Bay ang naging dahilan ng mga pagbahang nararanasan sa Roxas Boulevard na umabot na hanggang sa loob ng embahada ng Estados Unidos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply