US nag-donate ng $100,000 sa mga biktima ng baha

NAGLAAN ng $100,000 o nasa P4.3 million na tulong ang US government para sa mga nabiktima ng pagbaha sa Metro Manila at karatig na mga probinsiya.

Nakisimpatiya naman si US Ambassador to the Philippines Harry Thomas, Jr., at sinabing nakalulungkot ang nangyari sa Pilipinas lalo na ang mga nawalan ng bahay dahil sa ilang araw na walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Samantala, kanselado ang pasok ngayong araw sa embahada ng Estados Unidos na nakabase sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa US Embassy information center, ang pagkansela ng pasok ng mga empleyado ay upang maiwasan ang anomang panganib na dulot ng pagbaha.

Kaugnay nito, pinayuhan ang mga may visa transactions ngayong araw na ipagpaliban na lamang ito upang hindi na maabala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply