US naglaan ng P16M dagdag ayuda sa mga biktima ng kalamidad

KARAGDAGANG P16 milyon suporta ang inaprobahan ni US President Barack Obama para sa Pilipinas na gagamitin sa mga panahon ng kalamidad.

Kinumpirma ito ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas kasabay ng kanyang pagbisita sa mga nasalanta ng pagbaha sa mga evacuation centers sa lalawigan ng Rizal.

Nabatid na ang nasabing financial assistance ay posibleng makarating sa Pilipinas sa susunod na araw.

Una nang nagpaabot ng halagang $100,000 o katumbas ng P4M bilang tulong sa lubhang binaha nitong nakalipas na mga bagyo at Habagat.

Tiniyak  din ng embahada ng Estados Unidos na patuloy silang tutulong at laging kaagapay sa mga panahon ng kalamidad.

Nauna rito, namahagi ng relief assistance si Thomas sa mga residenteng binaha ni Habagat sa lalawigan ng Rizal.

Kasama ng embahada ng Amerika sa nagbigay ng tulong  ang Catholic Relief Services.

Mahigit naman sa 600 pamilya mula sa Manggahan floodway ang nabigyan ng relief at hygiene items na ngayon ay kinakanlong pa rin sa Kabisig Elementary School.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply