US remote operated vehicle gagamitin sa paghahanap kay Robredo

HIGH-TECH na mga kagamitan ang parating mula Amerika  para gamitin sa paghahanap sa eroplanong bumagsak na lulan si DILG Sec. Jesse Robredo noong Sabado, Agosto 18, sa dagat ng Masbate.

Maliban sa sonar na ginagamit na ng Phil. Navy, gagamit na rin ng Remote Operated Vehicle (ROV) sa paghahanap ng eroplano  sa ilalim ng dagat dahil bigo ang mga divers dahil sa lakas umano ng ikot ng tubig sa ilalim at lalim nito.

Ayon kay Defense Sec. Voltaire Gazmin, nananatiling search and rescue pa rin ang operasyon sa dagat hanggat di pa natatagpuan ang eroplano sa ilalim nito pati na rin ang mga katawan ng mga sakay ng eroplano na sina Sec. Robredo at dalawang piloto.

Maaari umanong napalayo sa eksaktong lokasyon ng kinabagsakan ang wreckage ng eroplano dahil sa malakas na current sa ilalim kaya’t nahihirapang makita ito subalit sa ROV ay mapapadali at mas ligtas dahil di na kailangang sumisid ang mga diver ng matagal .

Sa ROV kahit maghapong nakalubog ito sa ilalim ng dagat ay walang problema sa anumang hazards sa ilalim ng dagat dahil ang nagpapatakbo nito ay nasa barko lamang at malinaw pang masusuyod ang madilim na ka-ilaliman ng Ticlao Pass, ayon kay Gazmin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply