Usapang pangkapayapaan sa MILF di maaapektuhan – Palasyo

TINIYAK ng Malakanyang na hindi maaapektuhan ang usapang pang-kapayapaan ng pamahalaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa nangyaring pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) sa ilang military installations sa iba’t ibang lugar sa Maguindanao.

Ang katuwiran ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos Deles ay hindi naman bahagi ang BIFM sa MILF kaya’t hindi ito sakop ng tigil-putukan na kasunduan.

“The BIFM is not part of the MILF, and thus is not covered by any ceasefire agreement. Formerly known as Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, the BIFM is led by Ameril Umbra Kato who, together with his followers, was dissociated from the MILF who declared him as a “bougat or one who defies or does not obey an order.” Kato shortly formed his own group since then and has been pursued by the government forces for engaging in lawless actions,” ayon sa Kalihim.

Binigyang diin ni Sec. Deles na handa ang pamahalaan na ikasa ang kanilang defensive actions upang protektahan at pangalagaan ang kapakanan ng komunidad doon.

“Pursuit operations against Carialan and his men are being conducted to bring them to the bar of justice,” anito.

Sa kabilang dako, ngayong linggo ay magkikita ang government at MILF panels upang simulan ang 30th Formal Exploratory Talks sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“We remain firm in our resolve to continue engaging the MILF in the negotiation table until we are able to reach an agreement to finally resolve the conflict in Mindanao and bring peace to our people who have suffered the most,” ang nakasaad sa kalatas ni Presidential Adviser on the Peace process Teresita Quintos Deles.

Sa ulat, pinangunahan ni BIFM chief Ustadz Carialan ang walang-kuwentang pag-atake ng BIFM sa mga munisipalidad ng Talayan, Datu Unsay, Datu Saudi Ampatuan at Shariff Aguak sa naturang lalawigan at Midsayap sa North Cotabato.

Para sa gobyernong Aquino, ang pag-atake ng BIFM ay malinaw na kawalan ng respeto sa Ramadan at pag-balewala sa mga inosenteng buhay na biktima ng insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply