Utol ni Robredo ‘di kinakausap si Abrazado

INAMIN kaninang umaga ng kapatid ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na hindi niya iniimik ang police aide ng kanyang namayapang kapatid na si Jun Abrazado sa pangambang makapagbitiw siya ng mga masasakit na salita laban dito.

Ito ang pag-aamin ni Butch Robredo at sinabing ayaw niya munang kausapin si Abrazado matapos marinig ng pamilya Robredo ang conflicting reports kung paano ito nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano na ikinamatay ng DILG chief.

“In all honesty po, ayaw ko pong magsinulanging. Personally, ayaw ko siyang kausapin kasi ang accounts na naririnig namin sa kanya ay iba-iba. Siyempre, nagpapalasalamat naman ako sa kanya na nabuhay siya pero si Jess hindi sinuwerte, pumanaw po siya,” pagdadalamhati nito.

Naiintindihan niya kung may nararamdamang bigat sa dibdib si Abrazado dahil siya ay nakaligtas sa insidente samantalang ang kanyang boss ay hindi nakaligtas at nalunod sa karagatan ng Masbate.

“Sana po makayanan niya. Hindi ko po alam ang totoo kasi iba iba po yung versions. Ayaw ko pong mag-speculate at ayaw ko pong i-discredit si Jun dahil napaka-loyal niya kay Jess,” sambit pa nito.

“Sinadyang ayaw ko siyang kausapin kasi baka po may masabi po ako. Siyempre nung time na yun ano pa ho yung ulo ko. I don’t think I was thinking straight. Emotionally… Baka may masabi akong hindi tama,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Butch na kilala niya ang tatay ni Abrazado, na isang dating police colonel.

Wala naman aniyang problema kung gusto ni Abrazado na dalawin ang burol ng kanyang kapatid sa Naga City.

“Kahit nga po mga political enemies, wala pong problema. Mahirap o mayaman, kung makikiramay po, nagpapasalamat po kami,” dagdag pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply