VAT, alisin para maiwasan ang biglaang pagtaas ng mga presyo

UPANG hindi laging nabibigla ang taumbayan sa biglaang pagtaas ng mga presyo, dapat tanggalin o bawasan ng gubyerno ang value added tax o VAT.

Ito ang panukala ni Bayan Muna congressman Teddy Casino matapos i-anunsyo ng mga kumpanya ng langis ang isa na namang malakihang oil price hike.

Napakalupit daw ng mga kumpanya ng langis na magpapataw pa ng pagtataas ng mga presyo hanggang tatlong piso at bente sentimos sa gasolina at dalawang piso at walumpung sentimo sa krudo samantalang hindi pa nakakabawi ang mamamayan sa sunod-sunod na kalamidad.

Kahit deregularisado na ang industriya ng langis, hindi raw totoo na walang magagawa ang gubyerno upang bawasan ang price shock.

Nanawagan si Casino na bawasan ang VAT ng maraming bilihin mula labindalawang porsyento patungong anim na porsyento.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply