Vendor arestado sa tangkang panghahalay

SWAK sa kulungan ang isang fruit vendor matapos pagtulungang hulihin ng mga kabataan nang pagtangkaan ng una na halayin ang16 anyos na nanay kaninang madaling araw, sa Bagong Barrio Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Venjie Barcelona,18, vendor ng prutas  sa palengke, ng Malolos st., ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Caloocan police, dakong alas 2:00 kaninang madaling araw ng maganap ang insidente sa madilim na bahagi ng nasabing palengke.

Base sa reklamo ni Mang Eduardo Espiritu, biyanan ng 16 anyos na biktimang itinago ng mga awtoridad sa pangalang Maricar, bumibili  ito ng almusal na tinapay ng mapadaan sa madilim na lugar agad na hinatak at tinutukan ng patalim ng suspek at sabay ipinahiga sa kanyang kariton at sapilitang isinagawa ang makamundong pagnanasa .

Hindi nawalan ng panghihina ng loob ang biktima. Agad nagsisigaw at humingi ng tulong na narinig ng mga kabataan kaya agad itong nagresponde sa nasabing lugar at hinuli ang suspek saka dinala sa Bagong Barrio Caloocan police Sub Station.

Nakapiit ang suspek at inihahanda na ang kaukulang kaso nito sa piskalya ng Caloocan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply