Vendor kritikal sa pananaga

NASA kritikal na kondisyon ang isang vendor matapos pagtatagain ng kalugar gamit ang jungle bolo habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City Huwebes ng tanghali (Agosto 16).

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga taga sa katawan si Roberto David, 43 ng Malolos St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sumuko naman si Cezar Ornopia, 32 ng Gen. Tirona St., Bagong Barrio ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali, naglalakad ang biktima sa Malolos St., nang lapitan at pagtatagain ng suspek.

Matapos ang insidente ay dinala ang biktima sa MCU habang sumuko naman sa barangay ang suspek dala ang jungle bolo na ginamit.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang pinag-ugatan ng pananaga.

Samantala, malubha rin ang isang taxi driver matapos pagsasaksakin ng kapwa driver nang maungkat ang dating alitan habang nag-iinuman sa Caloocan City kaninang hatinggabi.

Ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng mga saksak ng katawan si Inocentes Umapas, 40 ng Sta. Quiteria ang lungsod.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Miguel Guinoo, 46 at kalugar ng biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-12 ng hatinggabi, nag-iinuman ang biktima at suspek sa kanilang lugar nang maungkat ang dating alitan ng mga ito.

Nagbasag ng bote ang suspek at pinagtatarak sa katawan ng biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek habang dinala naman sa nasabing pagamutan ang biktima.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang naging alitan ng biktima at suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply