Vietnamese drug courier tiklo sa P24-M shabu

TIMBOG ang isang babaeng Vietnamese nang makuhanan ng halos tatlong kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P24 milyon.

Ayon kay Tessie Roque, Deputy Collector ng Bureau of Customs (BOC), dumating sa Ninoy Aquino International (NAIA) ang drug courier kahapon (Agosto 14) sakay ng flight PR753 mula sa Bangkok.

Napag-alaman sa imbestigasyon na ang suspek ay nag-check-in sa New Delhi, India at pumunta sa Bangkok, Thailand bago pumunta dito sa Pilipinas.

Sinabi ni Roque na kung hindi nasabat ang suspek ay nakatakda itong sumakay ng Cebu Pacific flight bukas pabalik sa Hanoi, Vietnam.

Nadiskubre ang bulto ng shabu sa lining ng kanyang bagahe.

Nitong nakalipas na Agosto 10, isang Nepalese ang naaresto sa NAIA nang makuhanan ng 1.8 kilos ng shabu.

Kinilala ang suspek na si Sanbahadur Tamang, 45, na dumating sa airport sakay ng Philippine Airlines PR-731 flight galing Bangkok, Thailand.

Nabatid na nakuha ng Customs officials sa NAIA-2 ang 1.8 kilos ng shabu sa bagahe ng suspek ilang minuto makaraang lumapag ang eroplanong sinakyan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply