‘Vox populi’ sa RH bill at Gatchalian inutil sa sugal

ORACIO Imperata, salitang Latin ‘yan, parekoy, na ang ibig sabihin ay diktador!

Inoobliga kasi ang bawat Katoliko na magdasal o “obligatory prayer” kontra sa Reproductive Health bill.

Ang RH bill, parekoy, ay panukalang batas upang bigyan ng kalayaan ang bawat mag-asawa sa uri ng “birth control” na gagamitin at kung ilang anak lang ang kanilang nanaisin ayon sa kanilang kakayahan na bigyan ang mga ito ng magandang kinabukasan.

In-short, magkakaroon ng kalayaan ang bawat Pinoy na planuhin ang pamilya!

Kaya sa lahat ng survey ay ipinahahayag ng nakararaming Pinoy ang pagsang-ayon sa Reproductive Health Bill.

The voice of the people is the voice of God.

“Vox populi vox dei”

Ayaw ‘yan ng simbahan!

Galit sila sa tinig ng Diyos!

Ayaw ni Padre Damaso na magkaroon tayo ng kalayaan!

Ang gusto ng mga prayle ay sikilin ang ating karapatan!

At ang masakit, tayo pa mismo ang inoobligang magdasal laban sa ating kalayaan!

Hindi ba diktador ‘yan?

Hayaan lang daw na gahasain ni Padre Damaso si Sisa at manatili sa kahirapan sina Crispin at Basilio.

Kung sa dami nga naman ng anak at hindi na kayang pag-aralin, eh, di habambuhay na sila ay alipin ni Fray Botod!

Tama na ang kalapastanganan nitong mga “lobo na nagdadamit tupa.”
Isulong ang kalayaan!

Ibasura ang obligatory prayer o oracio imperata!

-o0o-

GULAT umano si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian sa resulta ng kanyang pa-survey kung may tsansa ba siyang manalo bilang senador sa darating na 2013 elections.

Lumalabas kasi na kulelat si Gatchalian sa sarili niyang survey, ayon sa source!

‘Wag ka nang magtaka Sherwin, talaga namang inutil ka eh. Mga Video Karera (VK) nga lang ni Rey Recto na naglipana sa lugar mo ay hindi mo kayang ipahuli!

Ano naman ang gagawin mo sa Senado, aber?

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply