‘Wag mag-imbak ng langis kung ‘di kailangan – DOE

NANAWAGAN ngayon ang Department of Energy (DOE) sa mga negosyante at sa taumbayan na huwag mag-imbak ng langis kung hindi naman kinakailangan.

Malaki ang hinala ni Energy Director Zenaida Monsada, na ang mga nag-iimbak ng langis ay ang mga iligal na nagtitinda ng krudo ng nakalagay sa bote.

Kaugnay nito ikinalugod ng Department of Energy (DOE) ang maagang pag-aanunsyo ng ilang kumpanya ng langis na hindi sila magpapatupad ng oil price hike sa susunod na linggo.

Sa kabila ito ng mataas na presyo ng krudo sa international market kung saan lagpas P1.00 na ang itinaas kada litro sa unang tatlong araw pa lamang ng trading.

Sinabi ni Monsada na kung tutuusin, ang presyo ng produktong petrolyo ay gumagalaw lingguhan.

Gayunman, ikinatutuwa pa rin nila ang pagkusa ng mga oil company na hindi magtaas ng halaga ng langis sa susunod na linggo, mabawasan lamang ang pangamba ng mga motorista, lalo’t katatapos pa lang manalasa ang matinding kalamidad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply