Wag mawalan ng pag-asa, Robredo makikita pa

UMAPELA si Aurora Rep. Sonny Angara na huwag sanang mawalan ng pag-asa ang lahat lalo na ang pamilya ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Mahalaga, aniya, na panghawakan ng sambayanan ang kahit kakaunting pag-asa na nalalabi hanggang sa tuluyang mailigtas si Robredo na kabilang sa apat kataong sakay ng Cessna plane na bumagsak sa karagatan ng Masbate kahapon ng hapon.

“Whatever little hope there is for his survival, we must hang on to that hope. Secretary Jesse was one of the foremost practitioners of the daang matuwid. While others talked the talk, he walk it.  Sa Pilipino hindi hanggang salita lang. Hindi lip service, at hindi press release.”

Sinabi pa ni Angara na si Robredo ay maituturing na tunay na lingkod-bayan dahil sa ipinakita nitong sinseridad sa kaniyang pagtupad ng tungkulin.

“Totoo siyang tao at totoo ang kaniyang serbisyo. In another country with a more developed party system, a man of his achievements at the local level could easily have risen to national prominence. Honesty, integrity, service– he embodied all of these,” paghahayag pa ni Angara.

Sa ngayon, pinanghahawakan ng mga awotoridad ang balitang na-detect na ng ginagamit ng mga rescuers na sonar equipment ng Philippine Navy ang metal na posibleng mga parte ng bumagsak na eroplano.

Subalit mahigpit pang pinag-aaralan kung kakayanin ng mga maninisid ang kinaroroonan ng na-detect na metal sa Ticao Straight.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply