‘Wag nang magtapon ng basura kung saan-saan

MISTULANG sumisigaw ang damdamin ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa paulit-ulit na paalala ng pamahalaan at ibang sector na huwag magtapon ng basura kung saan-saan dahil  pangunahing sanhi ng pagbaha ang baradong drainage system, estero at ilog sanhi ng basura.

“Malaking aral ang ibinigay ng bagyong Ondoy, nakaraang pananalasa ng Habagat at iba pang kalamidad na isang simpleng gawain ng lahat na nakalilimutan: tamang pagtatapon ng basura na kapag napunta sa mga ilog, estero at drainage, tiyak na babalik sa ating tahanan sa pamamagitan ng baha,” ayon kay Escudero.

Dahil dito, nanawagan si Escudero sa lahat na mahusay na magtapon ng basura, pamahalaan ang pagtatapon ng basura at iwasang magtapon sa lahat ng daluyan ng tubig upang tuluyan nang maiwasan ang pagbaha.

“Panahon na upang isapuso natin ang mga aral ng kalamidad,” giit ni Escudero.

Aniya, sa Metro Manila lamang, umaabot sa 5,000 mteriko toneladang basura ang naiipon araw-araw, ngunit umaabot lamang sa 73 porsiyento nito ang nahahakot ng mga local government units, at napupunta ang natitirang 27 porsiyento sa daluyan ng tubig.

“In Metro Manila alone, more than 5,000 metric tons of wastes are generated every day. Obviously we had not done a good job of managing our solid wastes based on the amount of trash washed back on our doorsteps. Dapat matuto na tayo,” ayon kay Escudero.

Kasabay nito, sinabi ni Escudero na dapat ilaan din ng pamahalaan ang ilang bahagi ng P12.2 bilyong flood control budget sa pamamahala ng pagtatapon ng basura partikular sa sentrong urban tulad sa Kamaynilaan.

“I support President Aquino’s thrust towards a long-term solution to floods. But in the interim, while the needed  infrastructure is being put in place, we should address the immediate problems. Sound waste management policies and practices, backed by strict enforcement, is long overdue,” paliwanag niya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply