Wala pa ring makatatalo sa phenomenal success ng ‘Walang Hanggan’ ni Coco Martin

MAY ilang kapatid sa hanapbuhay na nagsusulat na bumagsak na raw ang rating ng Walang Hanggan at ang sinisisi nila ay si Eula Valdez.

Simula raw pinasok ang character ni Eula bilang si Jane na originally portrayed by Rita Avila, doon na nag-umpisang sumadsad ang teleserye nina Coco Martin at Julia Montes.

Well, credible ba naman ang mga reporter na ito? Base kasi sa gabi-gabing datos ng Kantar Media sa National Ratings, hindi bumababa sa 30% ang rating ng Walang Hanggan na as of presstime ay super taas pa rin with 38.8% in national TV rating. So, papano nila nasasabing naapektuhan ang serye? And for the record, sa lahat ng mga bagong teleserye ng ABS-CBN ito lang ang nakapagtala ng 43% na rating.

Diyan pa lang, panalo na ang show na pinamamahalaan nina Sir Deo Edrinal at Ma’am Julie Ann Benitez kasama ang buong cast nito na aside kina Coco, Julia at Eula, nandiyan rin ang kinakikiligan pa rin love team nina Dawn Zalueta at Richard Gomez. Also in the casts are Paulo Avelino, Melissa Ricks, Joem Bascon, Arlene Muhlach, Ogie Diaz, Noni Buencamino, James Ocampo, Richard Yap aka Papa Chen, Susan Roces, Helen Gamboa at marami pang iba.

Siyempre pa, sa patuloy na tinatamasang tagumpay ng WH ay ibigay rin natin ang kredito sa buong production team, kasama na ang mga de kalibreng director na sina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit. Basta Kami ni BFFT Pete A., we believe in Sir Deo’s Midas touch. Kaya naman lahat ng hawakan nitong shows sa ABS-CBN ay pawang successful. So far, parehong humahataw sa ratings ang Aryana at Lorenzo’s Time na hawak rin ni Sir Deo and Ma’am Julie Ann. Keep up the good work gyud!

***

Hunk actor na kalilipat lang ng TV network, sagana sa grasya dahil sa reyna ng datung na top executive

KAHIT ang yummy young actor ay insecure ngayon sa kalilipat lang sa kanilang TV network na hunk actor na hindi naman talaga ganon kalaki ang name sa showbiz. Sino ba naman kasi ang hindi maiinggit eh, bagong salta pa lang si nasabing actor ay luxury car na ang sasakyan nito at kinabog pa niya ang tinutukoy nating papalicious na guwaping na young actor sa rami ng kanyang shows ngayon.

Araw-araw, napanonood siya sa isang teleserye, tapos may pang Sabado at Linggo pa itong show sa naturang TV network. Pero bakit nagkaroon kaagad ng progress si hunky actor? Well, ikaw ba naman ang maging papabale at huge! Yes, simula raw nang ipatilaw (tikim) niya ito sa reyna ng datung na Top Executive, roon na nagsimulang magbukas ang magandang kapalaran kay said actor na dati-rati ay sobrang hinahamak lang sa showbiz. Do I need to give clues?

Go na lang kayo sa Edsa at masa-sight nyo roon ang kanyang shirtless billboard. O hala gora na gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply