Walang keber sa episode nina Elmo at Lauren Young!

LAST week, kumalat ang tsismis na may lihim na relasyon raw si Elmo Magalona kay Lauren Young (kapatid ni Maegan Young). Siyempre pa, hindi maiwasang matanong kung ano ang reaksiyon ni Julie Ann San Jose na ka-loveteam ng young actor.

“Wala naman po,” nakangiting sabi ng dalaga. “I guess wala naman po akong say ro’n. It’s none of my business. And kumbaga… kung saan po si Elmo, do’n din talaga ako.”

“And if ever po na totoo ‘yong rumor, siyempre ano… I leave everything to the network. Kumbaga, ang goal lang po namin ni Elmo is to entertain a lot of people and to make them happy.”

May advice ba sa kanila ang Kapuso network na iwasang ma-link sa iba alang-alang sa kanilang loveteam?

“No, I don’t think so. Wala naman pong ina-advice sa amin na kailangan bawal magkaroon ng ibang…‘yong sa personal. Hindi naman po kami pinagbabawalan na magkaroon ng relationship with other people kapag may ka-loveteam.

“Kasi personal na buhay na po ‘yan na pinag-uusapan, e.”

Since friends naman sila ni Elmo sa ngayon, napag-uusapan ba nila ang mga gano’ng usaping personal?

“I’d rather not comment on that. Hindi pa naman po confirmed kasi,” ‘yong rumored relationship nina Elmo at Lauren ang tinutukoy ni Julie Ann.

Sakaling totoo, siyempre may mga fans sila ni Elmo na magagalit. Paano kaya niya ipagtatanggol sa mga ito ang kanyang ka-loveteam? “Uhm… ang hirap naman ng tanong!” natawa ang young actress. “Ano… eh di ‘yon… siguro pag-uusapan muna namin ni Elmo, di ba?”

Pero sa ngayon, ayaw niyang maunang magtanong kay Elmo about it. Hinihintay niyang ito ang magkusang mag-open up sa kanya kung ano nga ba ‘yong tungkol kay Lauren? “Ako kasi ‘yong tipo ng tao na… hindi talaga ako matanong, na… pipilitin kong pasagutin siya or something.

“Basta kung ano lang ‘yong lumabas from him and kung ano lang ‘yong ikuwento niya, iyon lang ‘yon. Ia-absorb ko na lang.

“Kami ni Elmo, we’re working professionally. Labas ‘yong tungkol sa mga personal na bagay.”

Kumita ang unang pelikula nina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona. Now on it second week, pinipilahan pa rin. Nakahinga na nang maluwag at parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang dalawa. “Siyempre sobrang saya. Sobrang over-whelming ang feeling kasi alam naming marami talaga ang natuwa ro’n sa movie.

“And maraming kinilig. Marami rin silang natutunan ro’n sa story. Kasi hindi lang siya about do’n sa love story naming dalawa (ng characters nila ni Elmo). But I also focus on love for the family and for friendship.”

Maganda rin ang review sa performance nilang dalawa ni Elmo.

“Oo nga po, e,” nangiting sambit ni Julie Ann. “Sobrang nakatutuwa talaga and nakapa-flatter ‘yong mga comments nila,” pagtukoy niya sa mga nakapanood na ng pelikula.

Pakiramdam ba niya, after the success ng launching movie nila ni Elmo, made na ang loveteam nila?

“Uhm… I would like to believe so. And hopefully naman after no’ng movie, and after no’ng reviews na kung ma-ganda pa ‘yong kalalabasan ng iba pang feedbacks ng mga tao, na… ‘yon ngang mga comments at reviews nila, mas marami pang mangyayari sa aming dalawa ni Elmo.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply