Walang malasakit sa ‘mga pag-asa ng bayan’

MAY impormasyon tayong nakuha na may kampanya ang ilang politiko na matanggal sa puwesto si Subic Bay Metropolitan Authority Chair & Administrator Roberto V. Garcia.

TOTOO pa ba sa panahon ngayon ang pananaw ng pambansang bayaning si Gat. Jose Rizal na “Ang Kabataan Ang Pag-asa Ng Bayan.”?

Marami kasi sa mga kabataan ngayon ang makikitang palaboy-laboy sa lansangan na tila walang patutunguhan ang buhay at walang pakialam sa kinabukasan. Ang kanilang mga magulang ay tila walang pakialam kung ano ang kanilang kahihinatnan sa lipunan.

Kaya naman may ilan sa mga batang kalye na ito na sa  murang edad pa lang ay marunong nang gumamit ng droga kaya naman malalakas ang loob na gumawa ng krimen o mga
bagay na hindi maganda.

Ang pagbibigay ng pansin upang maisaayos ang kinabukasan ng mga batang ito ay maging bahagi sana ng kampanya ng administrasyong Aquino.

Maging aktibo sana ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagliligtas sa mga batang ito mula sa pagiging talamak na masama.

Ang nangyayari kasi sa ngayon ay tila bulag at bingi ang pamahalaan sa panawagan upang iligtas sa kapahamakan ang mga batang kalye na ito.

Bagama’t nakikita ng mga opisyal at empleyado ng DSWD o counter part nito sa lokal na pamahalaan ang kahabag-habag na kalagayan ng mga kabataang sa edad na apat ay marunong nang suminghot ng kemikal na nakalagay sa plastic ay wala silang pakialam.

Kahit pa ipahuli sa mga pulis ang batang lansangan na ito na nakikitang hawak sa kaliwang kamay ang plastic na may lamang solvent at ang kanang kamay ay namamalimos o kaya naman nandudukot o nanghahablot ng bag ng mga dumaraan, wala ring nangyayari dahil kapag iti-nurn-over sa DSWD ay hindi tinatanggap kapag walang complainant.

Kailangan ba ay may magrereklamo?

Hindi ba puwedeng kalingain ng DSWD ang mga batang kalye at bigyan ang mga ito ng tahanan kasama ang edukasyon upang kahit paano ay mabawasan ang sakit sa mata ng publiko sa pagkalat ng mga ito sa lansangan?

Bakit hindi gumawa ng mahigpit na batas ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado na parusahan ang mga magulang na magpapabaya sa kanilang mga anak?  Para naman hindi lang paggawa ng bata ang gawin ng mga ito kundi maging responsable rin sa pagpapalaki ng bunga ng kanilang pagpapasarap.

Maganda sigurong ang mga magulang na magpapabaya sa kanilang mga anak ang ilagay sa kulungan upang matuto ang mga ito ng kanilang responsibilidad na alagaan at kalingain ang kanilang mga supling na kapag napabayaan ay nagiging sakit sa ulo ng lipunan.

Gayunman, marami pa rin sa ating mga kabataan ang nagsisikap sa buhay upang umangat mula sa kanilang kinasasadlakang kahirapan at nangangarap na balang-araw ay maging kilalang mamamayan na magbibigay ng karangalan sa bansang Pilipinas.

Sana ay magpatuloy pa sa ganitong pananaw sa buhay ang marami sa ating mga kabataan upang sa gayun ay totoo na makabangon ang ating bansa mula sa pagkakadapa bunga ng kahirapan na dulot sa atin ng mga namuno sa pamahalaan na walang iniintindi kundi ang pagpapakapal ng laman ng kanilang bulsa.

Happy Birthday to my beloved sister, Maureen B. Quiñones, of Quezon City  Public Affairs and Information Service Office (PAISO), who  celebrated her special day  last August 20.

Also Happy Happy Birthday to my other sister Elen B. De Jesus, of  Medical Center Western Batangas in Balayan, Batangas, who celebrated her natal day last Saturday, August 18. Neng, huli man daw at magaling, huli pa rin. Gayunman, ikaw pa rin ang pinakamasipag at maaasahan sa ating samahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply