Walang pasok sa Senado

KINANSELA ni Senate President Juan Ponce Enrile ang trabaho sa Senado sanhi ng patuloy na mananalasa ng hanging habagat sa bansa na nagdulot ng matinding pagbuhos ng ulan na siyang naging ugat ng pagbaha sa paligid ng gusali ng Mataas na Kapulungan.
Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ni Enrile na kanselado ang trabaho sa Senado kabilang ang lahat ng pagdinig tulad ng nakatakdang deliberasyon ng panukalang dagdagan ang sinisingil na buwis sa alak at sigarilyo o sin tax bills.

Kinansela din ng tanggapan ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pagdinig sa panukalang paghati-hatiin sa ilang distrito ang lalawian ng Maguindanao, Zamboanga del Sur at Bukidnon.

Idinagdag pa ng abiso ng Senado na kanselado din ang Kapihan sa Senado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply