Wanted na ASG kidnapper, natiklo

NAKUWELYUHAN ng awtoridad ang isang wanted na miyembro ng al Qaeda-linked Abu Sayyaf group (ASG) at Jemaah Islamiyah (JI) sa may Zamboanga City Public Market, ilang metro lamang ang layo mula sa daungan ng lungsod.

Ang suspek na si Isnajir Sakkam alyas Abu Fatima ay natiklo sa inilunsad na joint PNP at ang mga tuhan ng Criminal Investigation and Detection Unit operation nitong Biyernes ng gabi.

Si Sakkam ay may warrant of arrest sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, sangkot si Sakkam sa maraming insidente ng kidnapping na nangyari sa iba’t ibang parte ng rehiyon.

Isa na rito, ang nangyaring Golden Harvest Plantation hostage-taking incident sa may Barangay Tairan, sa bayan ng Lantawan probinsya ng Basilan noong ika-11 ng Hunyo taong 2001.

Ayon sa CIDG, malaki ang naitutulong ng Community Investigative Support (CIS), isang network ng mga volunteer galing sa mga sibilyan na siyang tumutulong sa kanila sa pangangalap ng impormasyon para matukoy ang kinaroroonan ng mga wanted na rebelde.

Samantala, naka-detain ngayon sa selda ng CIDG ang naarestong rebelde habang inihahanda ang paglilipat patungong Taguig City.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply