Wanted na tulak, timbog ng PDEA sa buy bust

NADAKIP ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang kilabot na tulak ng iligal na droga na kabilang sa target list ng ahensiya matapos matiyempuhan sa isinagawang entrapment operation sa Taguig City noong Aug. 22, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang suspek na si Francisco San Diego Jr., alias Sammy, na nasakote sa isinagawang operasyon ng anti-narcotics agents ng PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS) at Station Anti-Illegal Drugs–Special Operations Task Group (SAID-SOTG) ng Taguig City.

Si San Diego, na nasa target list ng PDEA ay nahulihan ng 10 gramo ng shabu matapos nitong bentahan ang isang PDEA na umaktong poseur buyer sa kahabaan ng Kamatsile Street, Purok 4, Lower Bicutan, Taguig City.

Ani Gutierrez , ang tunay na target sa operasyon ay isang  “alias Mario/Omar” ngunit hindi ito lumutang at sa halip ay ipinadala ng huli si San Diego na siyang nagpatuloy sa deal.

Nahaharap ngayon si San Diego, ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), ng Article II , Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang pansamantala siyang detenido sa  PDEA IIS para sa masusing interogasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply