Warrant of arrest sa mag-asawang nangmaltrato ng kasambahay inilabas na

IPINAAARESTO na ni branch 77  Judge Germano Francisco Legaspi ng Quezon City Regional Trial Court ang mag-asawang Analiza at Reynold Marzan, ang mga amo na nagmalupit sa kanilang kasambahay na si Bonita Baran.

Ito ang kinumpirma kanina ni Public Attorneys Office Chief Persida Rueda Acosta matapos nilang makuha ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Legaspi noon pang Aug. 23.

Aniya, may nakitang probable cause ang korte para tuluyang litisin ang mag-asawa kaugnay sa patong-patong na seven counts ng serious physical Injuries at two counts ng attempted homicide at serious illegal detention.

Matatandaang attempted murder  ang orihinal na kasong isinampa  laban sa mag-asawa ngunit ibinaba ito ng hukom sa attempted homicide na isinampa ni Baran laban kay Analiza.

Ibinasura naman ng korte ang serious physical injuries at attempted homicide laban naman kay Reynold pero magkasama sila ng kanyang misis sa kasong serious illegal detention.

Itinakda ni Judge Legaspi sa Biyernes ang pagdinig dahil na rin sa kahilingan ng PAO na magpalabas din ng Hold Departure Order (HDO) laban sa naturang mag-asawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply