Water discoloration dahil sa pagbaha – Maynilad

DAHIL sa matinding pagbaha ay nakararanas ngayon ng maruming tubig ang ilang bahagi ng Luzon.

Kaninang umaga marami ang nakapuna ng water discoloration na ayon sa Maynilad ay dahil sa pagbaba ng water quality na resulta ng matinding pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Dahil nga doon sa tuloy-tuloy na pagulan, na-disturb yung mga mierals at yung dumi sa ilalim ng dam so, nagkaroon ng discoloration ang raw water supply,” ayon sa opisyal ng Maynilad.

Kaugnay nito, sinabi ng Maynilad na nagsimula na ang flushing operations ng Maynilad upang malinis ang dumuming tubig.

Ayon pa sa Maynilad, inaasahang hanggang ngayong araw lamang ang water discoloration.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply