Water level ng La Mesa Dam bumababa

BUMABABA na sa 80.07 meters ang water level ng La Mesa Dam kaninang alas-tres ng madaling araw.

Sa ulat sa radyo ngayong umaga, ayon sa pamunuan ng La Mesa Dam, mas mababa ito sa spilling level ng dam na 80.15 meters.

Gayunman, nananatiling nasa red alert status ang dam.

Hangga’t hindi bumabalik sa 78.15 meters ang level ng tubig at maibaba sa yellow alert status ang tubig sa dam ay inirerekomenda pa rin ang paglilikas sa mga residente na naninirahan malapit sa Tullahan River.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply