Water pump bumigay: Recto underpass sarado pa rin

SARADO pa rin sa trapiko o motorista ang Recto underpass na punom-puno pa rin ng tubig-baha.

Ito ay matapos matigil ang pagpapahigop sa tubig-baha nang   bumigay ang ginagamit na water pump ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Nabatid na simula pa noong araw ng Martes ginagamit ang water pump at ito ay bumigay na kaninang alas-2:00 ng madaling araw kanina.

Nang inspeksyunin, nakitang bumigay ang power unit ng water pump kaya itinigil puna ang paghihigop ng tubig.

Ayon naman sa MMDA, kanilang papalitan ang equipment upang sa gayun ay maipagptuloy ang paghigop ng tubig baha na umaabot pa sa pito hanggang walong talampakan ngayon ang lalim ng tubig.

Gayunman, ilang bahagi naman ng C.M Recto Avenue ay maaari nang madaanan ng mga motorista.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply