Water salute, wangwang ikinasa sa cortege ni Robredo

GUMAMIT ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng firehoses para saluduhan ang convoy na nagdadala sa labi ng namayapang si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo habang patungo sa  Malacanang Palace kaninang umaga.

Sirens o wangwang naman ang ikinasa ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) para markahan ang pagdaan ng cortege sa tapat ng Luneta Park.

Si Robredo, 54-anyos, na  nagsilbing mayor ng Naga City bago itinagalang Department of the Interior and Local Government secretary noong 2010. Namatay ito noong nakaraang Sabado sa pagbagsak ng eroplanong sinaksayan nito sa karagatan ng Masbatae.

Mula sa Archibishop hall sa Naga City, ang labi ni Robredo ay dinala na sa Palace’s Kalayaan Hall kanina lamang umaga para sa dalawang araw na burol.

Babalik naman sa Naga City ang labi ng kalihim sa Linggo para bsa dalawa pang araw na burol at nakatkdang ilibing ito sa Martes.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply