Weather bureau poor cast

UMULAN kaya today? Sabi ng Pagasa noong Martes, malamang na hindi na. Malalaman natin ang hula na iyan ngayong araw na ito.

Kung aaraw ngayon, tama ang Pagasa. Pag umulan uli, tiyak na may palusot ito. Ang Pagasa ay always right sa kanyang mga poorcast, este, forecast pala. Magbuhat nang masibak ang dating Pagasa chief ay lagi na lamang correct ang Pagasa.

Kapag sinabi ng Pagasa na uulan at hindi naman umulan, aba, eh, di magpasalamat tayo. Kapag sinabi ng Pagasa na uulan ngayon at umulan nga, ang galing ng Pagasa. Palakpak si PNoy.

Ang galing ng kanyang mga bagong appointee.

Never mali ang Pagasa. Ganunpaman, humihingi pa rin ang Pagasa ng katakot-takot na pera sa gobyerno para lalong maging perfect ang kanyang forecast. Bagyo talaga itong Pagasa sa paningin ng ating Pangulo. Never make mistakes.

Ang buhos ng ulan at ang pagbaha sa halos buong Luzon ay hindi dahil sa bagyo. Wala pong bagyo. Weather disturbance lang po. Depression lang po. Hanging habagat lang po.

Eh, kung ang America mismo ay walang sinasabing may bagyo sa Pinas, eh, sino naman tayong magsasabi na on the contrary ay may bagyo tayo ngayong nararanasan sa Pinas?

Nangyayari iyan dahil ang nagdedesisyon kung may bagyo sa Pinas at iba pang bansa ay ang mga taga-ibayong dagat.

Tayo ay walang karapatan na gumawa ng desisyon kung may bagyo o wala. Ang karapatan lang natin ay palitan ang pangalan ng mga bagyo.

Kaya may bagyo ba talaga nitong mga nakaraang araw? Sabi ng US, wala, kaya sabi ng Pagasa, wala. Walang bagyo at walang himala. At upang patunayan iyan ng Pagasa, nakaisip ito ng palusot. O pautot.

Relax lang kayo na mga inaanod ng baha at nababasa sa lakas ng buhos ng ulan, kasama pa ang hanging malupit.

Walang typhoon signal dahil wala namang bagyo. Ang nararanasan ninyo ay hindi typhoon signal kung hindi color-coding. Ano ito,

MMDA traffic rules?

Kung yellow, ang ibig sabihin, ingat lang kayo. Kung green, takbo na kayo. Ano na naman kayang kaululan ito?  Saan natin hahanapin ang mga color na yan? Sa traffic lights ba ng MMDA

na kadalasan ay hindi gumagana?

Lumang tugtugin na yan, mga pare ko. Ang sabi nga ng mga matatanda noong panahon ko, siyam-siyam yan, hindi bagyo.

At dugtong pa nila: weather or not lang yan. ‘Yan ang dahilan kung bakit ang ating weather bureau ay pinalitan na rin ng pangalan: Pag-asa.   Asa pa kayo, kayong mga color-blind!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply