Welga ng mga janitor ng PUP, tagumpay

NAGTAGUMPAY ang mga janitor ng Polytechnic University of the Philippines sa kanilang welga matapos tiyakin ng pamunuan ng universidad na magiging bahagi sila ng maintenance services.

Nag-umpisang magwelga ang mga janitor noon pang buwan ng Marso tinagka silang tanggalin sa trabaho.

Pinirmahan ni PUP President Emmanuel de Guzman ang isang kasunduan na magiging bahagi na ng bagong ahensiya para sa maintenance services ng pamantasan ang mga janitor.

Mamayang alas-tres ng hapon, magmamartsa ang mga janitor sa paligid ng Manila campus ng pamantasan sa Sta Mesa bago ang isang misa sa alas-kwatro at pagba-baklas ng piketlayn ng alas-singko.

Ilang dekada nang naglilingkod bilang mga kawani ang mga nagwelgang janitor ngunit tinangka silang tanggalin ng dating pamunuan ng pamantasan.

Kinokondena pa rin ng mga welgista ang Department Order 18-02 Series of 2011 ng administrasyong Aquino na sinasabing nagliligalisa at nagpapalaganap ng kontraktwalisasyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply