Workforce audit ikakasa vs ghost employees

IKAKASA ng Quezon City government ang malawakang workforce audit sa iba’t ibang departamento lalo na sa tanggapan ng mga Konsehal para malaman kung ilan sa kanila ay may “ghost” employees sa kanilang payrolls.

Dahil dito, mag-iimbita si QC vice-mayor Joy Belmonte, na siyang mamumuno sa screening process, ng mga miyembro ng media para dumalo sa ikakasang “screening” sa mga city hall employees sa Legislative Building, at sinabi na ang pintuan ay bukas sa publiko para mag-report ng mga “fictitious” personnel kung mayroon man.

Sinabi ni Belmonte na ikinasa ang paga-audit sa mga empleyado, isang araw matapos ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang six-month preventive suspension orders kina Councilors Francisco Calalay, Jr. at Roderick Paulate sanhi ng umano’y “ghost” employees na nasa kanilang official payrolls.

Nagdesisyon silang magkasa ng workforce audit para mawala ang mga espekulayon na pinapayagan ng city government ang presensya ng “ghost” employees.

Isa pa, idinagdag ni Belmonte na ang proseso ay naglalayong magmentina ng mas responsive at competent workforce.

Samantala, sinabi naman ng isang city hall employee, na ayaw magpakilala na ang naturang “screening” ay hindi kasagutan para masawata ang “ghost” employees dahil ilan sa mga city officials kabilang ang mga councilors ay siyang nagkukubli sa paglabag ng kanilang kasamahan.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply