Workshop sa HIV-AIDs, isasagawa ng simbahan

MAGDARAOS ng dalawang magkahiwalay na workshop session hinggil sa HIV-AIDS ang Archdiocese of Manila para sa mga pari at mga relihiyoso at gayundin para sa mga seminarian at mga lay people.

Kaugnay nito, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang mga pari, mga relihiyoso, seminarista at mga lay people ng Archdiocese of Manila na dumalo sa naturang workshops at alaming mabuti ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa HIV-AIDS, na patuloy na kumakalat ngayon sa Pilipinas.

Ayon kay Tagle, ang unang workshop ay idaraos sa Agosto 22-23, 2012 sa San Carlos Seminary auditiorium, San Carlos Formation Complex, EDSA, Makati City; at ang pangalawa naman ay isasagawa sa Agosto 24 sa Layforce chapel ng nasabi ring compound.

Nabatid na ang naturang workshop ay pangungunahan ni Msgr. Robert Vitillo, special adviser on HIV & AIDS para sa Caritas Internationalis at head ng International Delegation to the UN sa Geneva.

Ang Caritas Internationalis at ang Catholic Medical Mission Board ang nag-organisa ng naturang workshop alinsunod na rin sa kahilingan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Hinimok rin nito ang mga grupong sangkot na dumalo sa workshop upang makatulong sa pagsugpo ng sakit at maprotektahan ang pamilya, partikular ang mga kabataan laban sa virus na hanggang sa ngayon ay wala pang lunas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply