Yellow rainfall alert, ikinasa sa NCR

ITINAAS na kaninang umaga (Agosoto 6) ng State weather forecasters ang yellow rainfall signal sa kabuuan ng Metro Manila, na isang babala ng malakas pang pagbuhos ng ulan sa mga susunod na oras.

Dahil dito, sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration na maari itong magkasa ng pagbaha sa mga low-lying areas at lugar na malapit sa river channels.

“Occasional moderate to heavy (3.0 to 10.0 mm per hour) rain is expected to affect Metro Manila within the suceeding hours,” nakasaad sa kanilang iponosteng Twitter account. “People are advised to MONITOR the weather condition and WATCH OUT for the next warning,” dagdag pa ng PAGASA.

Sa ilalim ng bagong new rainfall and flood warning system, ang ibig sabihin ng yellow ay “caution” dahil inaasahang bubuhos ang malakas na pag-ulan at malaki ang posibilidad na magkaroon ng mga pagbaha.

Ang ibig sabihin naman ng green ay magkakaroon naman ng malalang pagbuhos ng ulan o intense rain at may pagbabanta ito ng pagbaha.

Sa kabilang dako naman, ang ibig sabihin ng pula ay mahigit sa 30mm ng pagulan ang inaasahan at seryosong pagbaha ang maaring maganap. Dapat na ring ikasa ang paglilikas sa mga residente.

Simula pa nitong Linggo ng gabi, bumuhos ang malakas na pagulan sa ilang parte ng Metro Manila, na nagdulot ng mga pagbaha kaya sinuspinde ang klase sa maraming lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply