Younghusbands pinalalayas sa Azkals

MATAPOS magpakita ng kawalan ng commitments sa national football team ang magkapatid na James at Phil Younghusband, hiniling ng mga fan na sibakin na ang dalawa sa Azkals.

Umani ng matinding batikos mula sa sports fans ang magkapatid na strikers ng Azkals matapos hindi maglaro sa friendly match na may bendisyon ng International Football Federation (FIFA) noong  (Sunday sa Pinas) sa Joe Bean Stadium ng Wheaton College sa Illinois, United States of America.

Dahil sa pagkawala ng dalawang key players ay mistulang inilampaso ng Chicago Team ang Philippine Team Azkals.

Katwiran ng magkapatid,  hindi malaki ang natatanggap nila sa national team kaya mas prayoridad nila ang ibang laro na kikita sila ng mas malaking pera kahit pa pabayaan nila ang national team Azkals.

Dahil sa katwiran ng magkapatid, nagalit ang mga fan at hiniling sa Bureau of Immigration at sa Bureau of Internal Revenue na imbestigahan din kung nagbabayad ba ng tamang tax o may working permit ba ang dalawang manlalaro dahil puro pagkakakitaan na ang inuuna kaysa maglaro sa national team.

“Hindi na tama ang kanilang ginagawa, kung wala silang commitment para sa national team, dapat ay lumayas na sila sa Pilipinas,” wika ng fans.

“Walang kwentang mga player ang dalawang magkapatid na iyan, kung kailan sila kailangan ng national team tsaka uunahin ang ibang pagkakakitaan,” galit na wika ng fans.

Matatandaang inilampaso ng Chicago Inferno ang Azkals sa iskor na 1-3 dahil sa kakulangan ng manlalaro ng Philippine team.

Ayon sa ulat, hindi naglaro ang magkapatid na Younghusbands na nagsisilbing strikers ng team dahil mas inuna nila ang paglalaro sa Clear Dream March Draft noong Sabado.

“Dahil kilala na sila ngayon, mas pipiliin ng dalawang tungaw na iyan na maglaro kung saan sila kikita ng malaki,” wika ng kritiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply