YouTube sensation Zendee Rose Tenerife, malapit nang maging Kapuso!

NAKA-SCHEDULE na ngayong week ang pakikipag-usap ng bagong Pinay YouTube sensation na si Zendee Rlose Tenerife sa mga big boss ng GMA 7 para maging isang Kapuso star na siya.

Kaya ngayon palang ay excited na siya lalo’t hindi niya akalain na mapansin siya ng no. 1 network sa bansa, ang GMA 7.

Nung una siyang tinawagan ng GMA 7 para mag-guest sa Party Pilipinas last Sunday, feeling niya ay nanaginip lang siya. Kasi, makakasama niya at makakausap ang idol niyang si Regine Velasquez.

Habang umaawit siya sa Party Pilipinas, napansin ni Zendee na pinanonood siya nang husto ni Regine kaya pinag-buti niya nang husto pa ang kanyang pag-awit.

Nakagrupo niya sa pag-awit sa Party P ang mga kilalang young biritera ng show na sina Rachelle Anne Go, Jonalyn Viray at Maricris Garcia.

Sa interview namin kay Zendee after ng performance niya sa Party Pilipinas, nasabi niyang tinawagan na siya ng mga taong mula sa show ni Ellen  DeGeneres kung saan ipi-feature ang success niya sa YouTube. Nung pang August 15 naka-receive ng message si Zendee mula sa The Ellen Degeneres Show.

Matutupad na rin ang isa pa niyang pa- ngarap na ma-recognize internationally.

Sa success ngayong tinatamasa ni Zendee Rose, hindi niya makalilimutan ang Pambasang Kamao na si Manny Pacquiao dahil ang Pound for Pound King ang nagbigay sa kanya ng four-year scholarship sa kursong Information Technology.

Natapos na ni Zendee Rose ang kurso kaya Malaya na siyang tumanggap ng anumang trabaho sa pagiging entertainer niya.

Nasabi pa ni Zendee Rose na welcome siya kung piliin ni Manny na makasama sa campaign journey nito sa next year election. Malaki ang utang na loob niya kay Manny.

Hindi rin niya iniaalis ang posibilidad na makapag-guest sa programa nito, ang Manny Many Prizes na napanonood tuwing Sunday afternoon pagkatapos ng Party Pilipinas. Isama rin kaya si Zendee Rose ni Manny para maging guest sa US show ng MMP?

000

Derrick Monasterio, napiling advocate ng Youth Drug Abuse Prevention and Control project ng NYC

NAG-sign na formally last August 16, 2012 si Derrick Monasterio bilang youth advocate Drug Abuse Prevention and Control project ng National Youth Commission.

Siya ang napili ng NYC, ayon kay Commissioner Earl P. Saavedra, bilang perfect choice to be their youth advocate.

Ayon kay Com. Saadvedra: “We know that Derrick’s character is definitely a good image of a typical Fili- pino youth. He is an example of somebody who shows to the young how they must conduct themselves.

“Magaling si Derrick in terms of talent, magaling siya in terms of pakikipaghalubilo. Yun ang gusto natin sa isang kabataang Filipino. May proper appreciation of values and may proper appreciation of the righteousness that they have to bear within themselves.”

Makakasama si Derrick ng iba’t ibang youth leaders sa bansa para isakatuparan ang advocate laban sa youth drug abuse.

Naniniwala ang NYC na mai-inspire ni Derrick ang 27.8 million youth sa bansa na umiwas sa ipinagbabawal na gamot at tutularan nila ang tulad ng batang aktor na ginugugol ang kanyang kabataan sa makabuluhang bagay.

Bukod sa pagiging artista, na busy sa taping at shootings, may panahon pa rin siya sa kanyang pag-aaral.

Busy ang actor ngayon bilang isa sa lead stars ng Luna Blanca at katambal ni Barbie Forteza. Kasama rin sa Luna Blanca si Bea Binene bilang si Luna at partner niya si Kristoffer Martin.

Ani Derrick: “Feeling ko po nabigyan ako ng napakalaking responsibility at syempre I will do my best para ma-meet yung expectations nila, gagawin ko po ang lahat para makutulong sa pagpapahinto ng mga paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, lalo na sa kabataan.”

Samantala, lalong kasabik-sabik ang mga eksenang aabangan sa Luna Blanca sa susunod na mga araw. Tulad ng mga pangyayaring: Hindi tumigil si Luis sa kasusuyo kay Rowena pero matigas si Rowena sa pag-iwas. Patuloy namang napa-praning si Divine sa selos.

Isang araw, dinalaw ni Devolas si Rowena. Nakaiwas si Rowena kay Devolas sa pagdating ni Luis. Nagkasakitan naman ng loob sina Joaquin at Blanca.

Pinagselos ni Joaquin si Blanca sa pag-iwas nito sa kanya at pagtutulak nito sa kanya kay Luna.

Dinalaw ni Kiko sina Blanca sa San Sebastian.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply