Zsa Zsa may stage 1 kidney cancer

HABANG nagdadalamhati pa sa pagkamatay ng kanyang long-time partner na si Dolphy, may kinakaharap na bagong problema ang singer at actress na si Zsa Zsa Padilla dahil na-diagnosed siyang may stage one cancer.

Ang biyuda ng Hari ng Komedya ay  may malignant growth na sinlaki ng isang golf ball sa kanyang kidney, ayon sa kanyang doktor sa Cedars Sinai Hospital sa Los Angeles, California.

“The first time I saw Dr. Folkes, he immediately told me it was malignant. So when I heard that word ‘malignant,’ I said, ‘Oh man, I have cancer.’ I went back the next day for blood work and a scan and it showed the same thing — almost a 3 centimeters growth — and he advised for it to be taken out,” pahayag ni Padilla.

Nito lamang nakaraang Sabado ang 40 days simula ng mamatay si Dolphy.

Mga kaibigan, pamilya ang nagsama-samang nagdasal para  sa kanilang mahal sa buhay na Filipino King of Comedy sa St. Patrick’s Church sa North Hollywood.

Lingid sa karamihan ng mga bisita, ang nagdadalamhating biyuda na dumaitng mula sa Los Angeles nitong nakaraang linggo ay nananatiling tila tinabunan ng langit at lupa.

Simula nang mamatay si Dolphy, hindi na masyadong nagsasalita pa si Zha Zha.

“Talaga I’m still in denial. Part of me is still in the stage of denial. Then I try to recall everything that has happened – [him] getting sick, being in the hospital, staying in the ICU – everything up to his death. But part of me still feels I’ll see him again,” pahayag nito.

Sa pagkamatay ni Dolphy at ang kanyang balita hinggil sa kanyang karamdaman, sinabi ni Padilla na hindi siya tumitigil sa pagdarasal.

Sa kabila nito, sinabi ni Padilla na nais niyang maging positibo ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya.

“This is the first stage. Once it’s remove, I’ll be cancer-free. I’m going to take care of myself and eat well,” pahayag pa nito.

Isasalang si Padilla sa isang operasyon sa Agusto 27 sa Cedars Sinai.

Kapag naging matagumpay, sa loob ng 2 araw lamang ay makalalabas na siya ng ospital at makababalik na siya sa trabaho sa loob ng 1 buwan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply