Zsa Zsa suportado ng Quizon family

UMAASA ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla na walang magiging komplikasyon sa kanyang operasyon ngayong araw hinggil sa pagtanggal ng bukol sa kanyang kidney.

Ayon sa Divine Diva, gusto niyang makabalik agad ng Pilipinas matapos ang operasyon kaya umaapela ng dasal sa mga tagasuporta na gabayang maging matagumpay ang laparoscopic surgery.

Sinabi ni Padilla na matapos ang isang buwan maaari na siyang makabalik ng trabaho.

Samantala, full force naman ang pamilya Quizon sa pagsuporta kay Zsa Zsa, partner ng kanilang namayapang ama na si Dolphy.

Inihayag ni Eric Quizon na pamilya nila si Zsa Zsa at ang mga kapatid niyang nasa Amerika ay pupuntahan si Padilla upang bigyan ito ng suporta.

Tiwala naman si Eric na malalampasan ng aktres ang kinakaharap na pagsubok dahil sa malakas umanong will power nito kaya umaasa silang makakarekober ito matapos ang operasyon na gagawin sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles.

Kamakailan lang nang ma-diagnose si Zsa Zsa na may stage one kidney cancer.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply