Zsa Zsa tatadtarin ng operasyon ang katawan

NASA Los Angeles, California ngayon si Zsa Zsa Padilla para sa kanyang nalalapit na operasyon sa kanyang kidney na tinubuan ng bukol na kasinglaki ng bola ng golf.

Ayon sa doktor niya sa Cedars Sinai Hospital, malignant ito at nasa stage 1 cancer na ang kanyang sakit sa bato, kaya kailangang maoperahan na upang hindi na lumalala pa.

Si Zsa Zsa ay dumaan na sa maraming pagsubok sa buhay. Maraming operasyon na ang dumaan sa kanya.

Inoperahan siya noon sa likod dahil sa kanyang scoliosis at nagkaroon din siya nang ureter surgery. This time ay sa kidney naman siya maga-undergo ng operation.

“It can happen to anyone. I’m just blessed God has given me many chances at surviving– my back surgery, my ureter surgery and now this. Stage 1 pa lang. I now look at life differently,” sabi ni Zsa Zsa sa Abs Cbn.

Siya raw ay nagluluksa pa sa pagkamatay ng kanyang long-time partner na si Dolphy, pero hindi naman daw siya nag-iisa dahil alam niyang he is watching over her lalo na raw sa panahong ito na may pinagdadaanan din siyang laban sa buhay.

“When we got to LA, we rode the car from the airport, the radio was on and the song, ‘It’s a Wonderful World’ came in. Naiyak ako kasi for me it’s a sign that he was with me and Zia at this trip,” ayon pa sa singer/actress.

Anyway, ayon naman sa kanyang Twitter account, ready na raw siya to take on new challenges.

“When life situations get rough, I find myself taking deep breaths… And I am ready to take on new challenges. Living life. One day at a time.”

Sa August 27, na ang surgery ng aktres sa Cedars Sinai. Kapag naging maganda ang resulta nito, lalabas siya sa hospital sa loob lamang nang dalawang araw at babalik sa work after a month.

Ilan sa mga artistang nagpaabot ng kanilang pagsuporta kay Zsa Zsa ay sina Kris Aquino, Sharon Cuneta, Vicki Belo, Lorna Tolentino, Angeli Pangilinan, Ruffa Gutierrez, Bianca Gonzales, Desiree del Valle at ang kanyang sandamakmak na followers sa Twitter.

***

Vic dinalaw sa bahay si Pauleen at nagsimba pa

MASAYA raw ngayon si Pauleen Luna dahil tahimik na ang kanyang buhay. Bagama’t hindi nito kinumpirma ang break-up umano nila ni Vic Sotto, marami ang nag-akalang hiwalay na nga silang dalawa.

Pero kamuka’t mukat mo’y heto’t nakita silang magkasamang nagsimba sa Saint James Parish sa Ayala, Alabang last week at may nakakita ring dumalaw umano si Bossing sa bahay ng dalaga sa Tierra Pura subdivision sa Tandang Sora.

***

Paula mananalo ng award sa PMPC

PAGKATAPOS nang show ni Paula Bianca sa Lucky Chinatown Mall near 168 mall sa August 25 at 2 p.m. ay paghahandaan na nito ang nalalapit na PMPC 4th Star Awards for Music kung saan gaganapin ito sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City sa September 9, 2012.

Napakahalaga nito para kay Paula dahil tatlong nominasyon ang nakuha niya rito-Best Rock Album of The Year, New Female Recording Artist Of The Year at Female Rock Artist of The Year.
Isa o higit pa ang posibleng mapanalunan dito ng dalaga ni papa Dhan dahil sa napagandang self-titled album nito na pinapalooban ng two original rock songs composed by Vehnee Saturno at ilang revival OPM songs.

Hanggang ngayon ay most requested song pa rin ang awitin ni Paula na ‘Napakasakit Naman’ sa mga FM stations.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply