​Anti-epal movement, gagawing citizens arm

BALAK ng Commission on Elections (Comelec) na gawing citizens arm ang mga grupo na nasa likod ng Anti-Epal Movement.

Gayunman, sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na pinag-aaralan pa nila ito at maglalabas sila ng desisyon hinggil dito sa isasagawa nilang en banc session ngayong araw.

Nauna rito, nag-dayalogo ang Comelec at Anti-epal Movement nitong Lunes at iminungkahi ng grupo na bigyan sila ng akreditasyon ng poll body.

Nais kasi ng grupo na makatulong sa pag-monitor ng mga lumalabag sa elections laws sa panahon ng campaign period.

Ayon kay Vincent Lazatin, ng Anti-epal Movement, halos sa buong bansa ay kalat na ang kanilang mga myembro kaya’t maaari silang tumulong sa Comelec upang matiyak na ang mga kandidato ay sumusunod sa mga itinakdang rules ng poll body.

Gayunman, isinuhestiyon ni Comelec Commissioner Elias Yusoph na sa halip na accreditation ay mas maganda kung gagawing citizens arm ang grupo upang mas magkarooon sila ng ngipin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply