1 gate ng Ipo dam nanatiling bukas

HINAYAANG bukas ang isang gate ng Ipo Dam sa Bulacan upang malayang makalabas ang lalabis na tubig ng dam kahit isinara na ang gate ng isa pang dam sa Luzon nitong Linggo.

Ayon sa PAGASA, nakataas ang gate ng Ipo Dam ng hanggang 0.2 meter mula pa kahapon ng alas 6 ng umaga dahil umaapaw pa ang tubig sa dam .

Mula  kahapon ng alas 6:00 ng umaga ang level ng tubig sa Ipo ay nasa 100.93 meters, bahagyang mas mababa kumpara sa 101.17 meters na naitala noong Sabado pero mas mataas pa rin sa 100.80-meter high water level ng Ipo.

Iniulat ng PAGASA na isinara na ng Binga Dam sa Benguet ang kanilang mga gates kahapon ng alas 4 ng umaga kung saan ang level ng tubig nito ay nasa 574.35 meters mas mababa, ng 574.83 meters noong Sabado . Ang pinaka mataas na level ng tubig ng Binga dam ay 575 meters.

Samantala inabisuhan ng PAGASA ang National Disaster Risk Reduction and Management Council para alertuhin ang mga residente sa gilid ng Angat River mula Norzagaray hanggang Hagonoy sa Bulacan dahil sa posibleng pagtaas ng tubig dahil sa inilalabas na tubig ng Ipo Dam.

Naging maulan sa ilang bahagi ng Luzon dulot ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Karen (Sanba) na lumabas na ng bansa at nag-iwan ng isang patay na kinilalang si Arsenio Bongcales , 75 anyos.

Hindi pa rin, aniya, madaanan ang West Coastal Road Mompong Bridge in Sablayan, sa Occidental Mindoro magmula pa kahapon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply