1 linggong meteor showers magniningning sa Oktubre

MAGNININGNING ang kalawakan sa huling parte ng buwan ng Oktubre dahil magaganap ang isang linggong Orionids meteor shower.

Ayon sa astronomical calendar ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Authority (PAGASA), tatagal ang nasabing kakaibang tanawin sa himpapawid ng mahigit isang linggo.

Ang peak naman nito ay maitatala sa Oktubre 20 hanggang 24, 2012.

Sa panahong nabanggit, inaasahan ang 20 bulalakaw kada oras ang makikitang babagsak sa kalupaan ng bansa.

Mainam naman para sa mga stargazer ang ganitong panahon dahil matatapat sa new moon at mas nagiging makulay ang meteors kung madilim ang paligid.

Gayunman, may mga lugar sa silangang bahagi ng ating bansa ang hindi susuwertihin na makita ang Orionids meteor shower dahil sa inaasahang pagpasok ng northeast monsoon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply