1 pang biktima ng QC ‘kotong cop’ lumutang

GAYA nang inaasahan, isa pang biktima ni SPO 4 Joel “Joey” dela Peña ang lumutang para sampahan ng kasong kriminal laban sa tinaguriang “kotong cop” ng Quezon City Police District (QCPD) dahil sa pangongotong sa kanya ng P7,000 noong nakaraang Mayo lamang.

Inilarawan ng 25-anyos na ayaw magpakilalang biktima ang suspek na si Dela Peña na isang “rude and arrogant,” na pulis na nagbantang hiyain siya at ang kanyang nobya sa harap ng maraming tao kung hindi siya susuka ng pera.

Nakabinbin na ngayon ang reklamong administratibo laban kay Dela Peña sa National Capital Region Police Office na pinamumunuan ni police director Chief Superintendent Leonardo Espina, na siya ring magdedesisyon sa naturang dismissal case.

“Nang makita ko sa balita ang tungkol sa anak ni General Espina, napagtanto kong yun ang talaga ang modus operandi ni Dela Peña,” pahayag pa ng biktima.

Ayon sa biktima naganap ang pangongotong sa kanya ni Dela Peña sa Panay Avenue sa Barangay Laging Handa, Quezon City nitong nakaraang Mayo.

Kausap niya ang kanyang nobya sa loob ng kanyang sport utility vehicle bago sila mag-bar-hopping sa lugar nang ilawan sila ng flashlight ng isang lalaki at sinabing bawal ang kanilang ginagawa.”

Tinanggal aniya ni Dela Peña ang kanyang pang-itaas na uniporme at nakasuot na lamang ng puting T-shirt o kilalang type B uniform. Tinanong niya si Dela Peña kung “ano ang bawal doon? Wala akong kasalanan at sinabi pa sa pulis na hindi siya nakainom o lasing.”

Sa puntong ito, sinabihan siya ni Dela Peña na “obey if you do not want a scandal. If you don’t get out of the car, I’ll be forced to call for other patrol (teams).”

Minaneho aniya ni Dela Peña ang kanyang kotse kaya umupo siya sa tabi nito habang ang kanyang nobya naman ay lumipat sa likod.

Sabi pa aniya ni Dela Peña na maganda ang kanyang sasakyan at siguro ay may kaya siya sa buhay at sinabing maayos nila ang gusot kapalit ng pera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply